Sino Si Jerwin Pretty Boy Ancajas: New Filipino Boxing Sensation: #boysayotechannel

Sino Si Jerwin Pretty Boy Ancajas: New Filipino Boxing Sensation: #boysayotechannel


Once Again eto ang inyong kakaibang mga kwento at trivia from BOY SAYOTE. Sa mga di pa naka subscribe ay i-klik nyo na ang subscribe button para lagi kayong updated sa aking mga next posts. This channel contains trivia facts and fiction and educational videos for better understanding at salamat sa panonood at magandang araw. Sino si Jerwin Ancajas? Sa video nating ito, ay ating alamin kung sino ang isa sa pambato ng pinoy sa boxing sa junior bantam weight division. Ito ay walang iba kundi si Jerwin Ancajas. .Hindi man sikat na katulad ni Manny Pacman Pacquiao ang ating tatalakayin ngayon ay mayroon naman siyang kahangahangang talento sa palakasang boksing. In fact, malaki ang pag asa na maaaring siya ang susunod na magdadala sa ating bansa pagdating sa boksing. Sa kasalukuyan ay mayroon siyang record na 31 wins, 1 lost at 2 draws na tiyak na magbabago sa pagdaan ng panahon.
Si Jerwin Ancajas ay tubong Davao ngunit ayon sa BoxRec.com ay kasalukuyang nakatira sa Cavite. Pinoy na pinoy ang lahi. Ang kanyang buong pangalan ay Jerwin Juntilla Ancajas at kilala rin siya sa kanyang alias sa ring na Pretty Boy.
Siya ay pinanganak noong Enero 1992 at nagsmula siyang maging professional boxer noong 2009. May taas siyang 5’6″ at mayroon siyang reach na umaabot sa 169 cm, kaya sapat na rin ang kanyang tangkad at layo ng suntok, para makipagsabayan sa mga matatangkad na boksingero mula sa ibang bansa. Lumaki siya sa Panabo Davao kung saan siya ay natutong mag boxing noong siya ay nasa ikalawang grado pa lamang sa elementarya. Tulad ni Manny Pacquiao, south paw ang kanyang stance sa pakikipaglaban o kaliwang kamay ang kanyang pinakamalakas na suntok. Ngunit sa pagdaan ng panahon at dahil na rin para mapalakas pa ang kanyang opensa ay sinasanay na rin niya ang kanyang kanang kamao para lumakas ito at maging additional advantage nito. Umaabot sa 61 percent ang kanyang knockout rate kaya karamihan sa kanyang knockout rate kaya karamihan sa kanyang naipanalong laban ay dahil sa Technical knockout o kaya ay Knock out.
Noong Oktubre 2019 ay binansagan siya ng Transnational Boxing Rankings Board bilang panlima sa pinakamahusay na boksingero sa junior bantamweight at pang anim naman sa The ring magazine at Boxrec. Ito ang mga ahensya na nagtatala ng mga impormasyon tungkol sa international boxers na nagkalat sa mundo.
Mula sa murang edad ay sumali na siya sa mga patimpalak na ginaganap sa mga lokal at international na paligsahan. Bago pa man siya maging professional boxer ay mayroon na siyang kamanghamanghang record na 90 wins at 5 losses sa amateur boxing.
Taong 2009 nang siya ay sumabak sa kanyang professional debu laban sa mas beteranong si Mark Anthony Geraldo nang panahong iyon, na isa rin pinoy boxer. Ngunit sa labanang ito, siya ay natalo via split decision .
Pagkatapos ng laban niya kay Mark Anthony ay mas lalo niiyang pinag ibayo ang pagsasanay at ito nga ay nagbunga ng kahanga hangang outcome kaya sa mga sumunod niyang 11 fights ay diretso ang kanyang pagkapanalo.
Kinalaban niya si John Paul Bautista at nanalo siya kontra dito via retirement or corner stoppage. Sumunod niyang tinalo si Miguel Tamayo via Technical Knockout sa Round 10 ng kanilang laro.
Muli siyang nanalo laban sa pambato ng China na si Runlong Xu. Via TKO din sa round 4 pa lang ngaround for pollen on kanilang laro ang pagkatalo ng kalaban.
Pinatumba niya rin si Armando Casa na isa ring pinoy boxer sa round 4 ng kanilang laban.
Knock out din ang inabot ni Ryan Bongcawil , Inthanon Sithchamuang ,
Petchwanchai Sor Visetkit, Rachmat Santoso, Fadhili Majiha, Juan Purisima,at Paul Apolinario. Dumating nga sa punto na tinalo niya ang defending champion ng IBF Junior Bantamweight na si McJoe Arroyo via Unanimous Decision at nasungkit niya ang titulong ito. Sa pangwalong round ng kanilang laban ay nakuha ni Jerwin ang boto ng mga husgado nang mapatumba niya si Arroyo sa loob ng ring.
Dito sa labang ito ay sinasabi na nakakuha si Jerwin ng perang umaabot sa $3,750 na mababa pa rin kumpara sa mga nakukuha ng ibang profesional boxers tulad ni Manny. Ngunit kung icoconvert pa rin ito sa Philippine peso ay malaki pa rin itong halaga. Karamihan sa mga boxer at mga MMA fighters na nakasungkit ng titulo ng pagiging kampeon ay tinatamad na at nababawasan ang pagiging agresibo. Ngunit ibahin niyo ang ating bidang si Jerwin Ancajas. Dahil sa pagkamit niya ng titulo ng IBF Junior Bantamweight belt ay mas lalo niyang pinag igihan ang pagsasanay at mas lalo siyang gumaling sa pakikipaglaban. Sa kanyang unang pagdepensa ng kanyang titulo ay kinalaban at tinalo niya si José Alfredo Rodríguez na hindi natinuloy ang pakikipaglaban dahil hindi na nito gaanong maigalaw ang kanyang kanang balikat marahil dahil na rin sa natamong suntok sa ating bida. Sumunod niyang dinepensahan ang kanyang titulo laban kay Teiru lan Kentucky Tolo Labonte Tyra Kinoshita via TKO sa round 7 ng kanilang laban. Nasuntok sa kaliwang tagiliran ang kalabang Japanese Korean kaya ito bumagsak. Ang kanilang laban ay undercard ng main event na laban nina Manny Pacquiao at Jeff Horn noong July 2017. Sumunod niyang binugbug ang challenger na si Jamie Conlan at nanalo rin siya via TKO sa round 6 ng kanilang laban. Maraming beses na tinamaan sa katawan si Conlan na kanyang ininda at halatang halata sa kanyang mukha ang sakit sa bawat suntok ni Jerwin Ancajas.
Sa kanyang sumunod na laban ay lumipat si Jerwin sa Top Rank , ang isa sa pinakasikat na boxing promotion sa mundo na nakabase sa Las Vegas. Ito rin ang promotion kung saan kalahok si Manny Pacquiao. Ang labang ito ay kanyang debu sa bagong boxing promotion na kanyang sinalihan. Kinalaban niya ang may pagkamayabang na si Israel Gonzalez ng Mexico. Ngunit binigyan niya ito ng leksyon dahil gaya rin ng mga nauna niyang kalaban ay Knock Out pa rin ang kanyang panalo. Sa labang ito ay makikita ang lakas ng kaliwang kamay ni Jerwin dahil ito ang ginamit niyang ipinansuntok sa ulo ni Israel Gonzales na siyang dahilan ng pagkatalo ng kalaban. Pagkatapos nito ay kinalaban naman niya ang isa rin pinoy boxer na si Jonas Sultan at tinalo niya ito via Unanimous Decision.
Pagkatapos ng laban nila kay Sultan ay kinalaban naman niya ang isang mehikanong boksingero na si Alejandro Santiago . Naging kontrobersyal din ang labang ito dahil may mga taong nagsasabi at nagreact na dapat daw si Alejandro Santiago Barrios ang nanalo. Tabla ang labas ng labanang ito kaya naretain ni Jerwin ang kanyang titulo bilang IBF Junior World Champion. Ang sumunod na laban ng ating bida ay kontra sa Japanese boxer na si Ryuichi Funai Maganda ang laro noong una dahil palitan lang ang kanilang suntukan at matibay din ang Hapon. Ngunit isang right hook mula kay Jerwin ang yumanig kay Funai a halatang nasaktan ito. Na sinamantala naman ni Jerwin para makapuntos ng marami. Nabugbug ang mukha ni Funai at nadale ang mata nito. Pagkatapos ng round 6 ay tinigil ang laban sa dahilang hindi na pinayagan ng Doktor si Funai na magpatuloy sa laban. Ang kanyang susunod na challenger ay si Miguel Gonzales na pumalit sa nauna nang dapat sana niyang kalabanin na si Jonathan Rodriguez. Ayon kay Joven Jimenez na trainer ng ating bida. Si Miguel Gonzales ay may agkakahawig daw sa estilo ng naunang kakalabanin sana ni Jerwin na si Jonathan Rodriguez. Wala naman daw silang dapat katakutan dahil kung ano man ang nagin training ni Jerwin para sa preparasyon ng laban nila ni Jonathan ay applicable din lang kay Miguel Gonzales. Base sa record ng makakalaban niyang si Miguel Gonzales ay di naman kalakasan ang suntok nito dahil mayroon lang itong 8 knockouts sa lahat ng kanyang panalo na umabot ng tatlumput isa.
Ang labang ito ay gaganapin sa susunod na buwan ng taong kasalukuyan. at ito nga ang kaunting impotmasyon tungkol sa ating tampok ngayon na si Jerwin Ancajas. Isang kampyeon na representative ng ating bansang Pilipinas. Salamat po sa panonood and God Bless!

7 Comments

  1. Idol request ako yung Kwento ni Sadrach, Meshach at Abednego.

    Sa mga nanonood dito pwde rin po kayo manood sa channel ko

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *